Subsidy sa tuition ng Junior High tinaasan
MANILA, Philippines — Mas mataas na subsidiya sa tuition fee ang matatanggap ng mga mag-aaral sa pribadong junior high school matapos aprubahan ng Department of Education (DepEd) ang dagdag sa Educational Service Contracting (ESC) grants, ang unang pagtaas mula pa noong 2017.
Simula School Year 2027-2028, makatatanggap ng P17,500 ang mga ESC grantee sa NCR mula sa dating P13,000; P14,500 naman sa mga highly urbanized cities mula P11,000; at P12,000 sa iba pang rehiyon mula P9,000.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, malaking ginhawa ito para sa mga pamilya dahil makatutulong sa gastusin sa pag-aaral habang napapalakas din ang suporta sa mga pribadong paaralan at nababawasan ang pagsisikip sa mga pampublikong paaralan.
Ang ESC ay bahagi ng Expanded Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (E-GASTPE), na nagbibigay ng apat na taong tulong-pinansyal sa mga kuwalipikadong Grade 7 students sa mga pribadong junior high school.
- Latest
















