^

Bansa

Janelle nag-aplay sa 'Witness'

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nag-aplay na kahapon sa Witness Protection Program ng Department of Justice (DOJ) ang aktres na si Janelle Manahan matapos ang pagbibigay ng detal­yadong nalalaman nito sa pagpatay sa nobyong si Ramgen Revilla.

Sa pamamagitan ng counsel niyang si Atty. Restituto Mendoza, inihain ang request sa DOJ, sa giit na may pangamba sa buhay ang kliyenteng si Manahan dahil nakalalalaya pa ang suspect na si Ryan Montinola Pastera alyas “Bryan.”

“This is an urgent request of her family and from herself also because right now the Task Force Ramgen of the Paranaque police is temporarily securing her safety. We were informed already that as soon as she is admitted to the WPP, the temporary police detail will be replaced by agents of the NBI(National Bureau of Investigation) or whoever the DOJ will assign,” ani Atty. Mendoza.

Bukod pa rito ang natatanggap umanong pagbabanta rin sa pamamagitan ng text messages at sa social media networks.

“Marami nagsasabi sa kanya sa twitter or sa text na mag-ingat siya sa mga sasabihin niya. Yung pinaka recent yung she was cautioned by someone in giving her statement,” dagdag ni Mendoza.

vuukle comment

BUKOD

DEPARTMENT OF JUSTICE

JANELLE MANAHAN

MENDOZA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

RAMGEN REVILLA

RESTITUTO MENDOZA

RYAN MONTINOLA PASTERA

TASK FORCE RAMGEN OF THE PARANAQUE

WITNESS PROTECTION PROGRAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with