Pinoy, sugatan sa salpukan ng 2 high-speed train sa Spain
MANILA, Philippines — Isang Pinoy ang iniulat na kabilang sa mga nasugatan sa naganap na banggaan ng dalawang high-speed train sa Urda, Spain kamakailan na ikinasawi ng 68 katao.
Sa ulat ng embahada ng Pilipinas sa Espanya, na ibinahagi ng Department of Migrant Workers (DMW) kahapon, isang Pinoy ang kabilang sa mahigit 100 katao na nasugatan sa insidente.
Nagtamo lamang naman anila ito ng minor injury at kaagad ding dinala sa ospital upang malapatan ng lunas.
Tiniyak naman ng embahada na masusi pa rin silang nakikipag-ugnayan sa mga Spanish authorities at train operators hinggil sa iba pang Pinoy na maaaring nasangkot sa insidente.
“The Embassy is closely coordinating with relevant Spanish authorities and the train operators on Filipino nationals involved in the incident,” anito.
“As of this time, we have verified information of one Filipino national who sustained minor injury and was brought to a hospital for medical attention,” anito pa.
Batay sa ulat ng Transport Minister ng Spain, nabatid na naganap ang insidente matapos payagan ng kompanya ng tren na dumaan sa riles ang isa nilang tren, sa kabila ng active red signal dahil sa isang nakahintong tren.
- Latest




















