^

Bansa

Abdusalam posibleng patay na - AFP

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Posible umanong na­patay sa air strike o sugatang nakatakas ang wan­ted na si Moro Isla­mic Liberation Front (MILF) Commander Wa­ning Abdusalam matapos itong ma­­bigong ma­tagpuan ka­hapon sa nakubkob na kampo ng bandidong grupo sa Sitio Talaib, Brgy. Labatan, Zamboanga Sibugay.

Sa joint press briefing ng PNP at AFP kahapon, sinabi ni AFP-Public Affairs Office Chief Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., malaki ang posibilidad na nasawi sa pagkaubos ng dugo si Waning at maa­ring kabilang sa mga inili­bing sa may 15 malalalim na hukay na natagpuan sa nakubkob na kuta.

“Waning reportedly wounded it’s probably true baka patay na siya. And because of blood stains everywhere indication matindi ang labanan dun sa area,” ani Burgos.

Si Waning ay lider ng MILF lawless group na sangkot sa kidnapping for ransom.

Nabatid na 15 pang hu­kay na pi­naglibingan sa mga bangkay ang na­­ tagpuan sa lugar kaha­pon at bilang respeto sa kultura ng mga Muslim ay hindi na niya ito ipinagalaw sa mga sundalo.

Sa kasalukuyan, 33 lawless group ang nare­kober ang mga bangkay sa lugar at ipinalalagay na 50 o higit pa ang nasawi sa mga kalaban habang mahigit sa 40 ang nasugatan.

Sa panig naman ni Zamboanga Police Provincial Director Chief Supt. Elpidio de Asis, po­sible ring nakatakas si Waning matapos hindi matagpuan sa lugar.

Kung nakapuslit ang su­gatang si Waning at mga kasamahan nito ay posible umanong dumi­­retso ito sa Basilan o kaya naman ay sa Sulu.

vuukle comment

ARNULFO MARCELO BURGOS JR.

COMMANDER WA

LIBERATION FRONT

MORO ISLA

PUBLIC AFFAIRS OFFICE CHIEF COL

SHY

SI WANING

SITIO TALAIB

ZAMBOANGA POLICE PROVINCIAL DIRECTOR CHIEF SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with