^

Bansa

Poder ng DOJ sa hold order pinabubura

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Para maprotektahan ang kanyang kaalyado sa Kamara, pinatatanggalan na ng kapangyarihan ni House Minority leader Edcel Lagman ang Department of Justice kaugnay sa pag iisyu ng Hold Departure Order sa sinumang indibidwal.

Sa ilalim ng House bill 51111 ni Lagman, nais ni­tong palimitahan na lang sa korte ang pag iisyu ng HDO at hindi sa DOJ.

Kailangan muna uma­nong i-apply ng DOJ sa Korte ang anumang desis­yon nito na isailalim sa HDO ang isang indibidwal na nahaharap sa mabibigat na kaso.

Inihalimbawa ni Lagman ang mag asawang dating Pangulong Gloria at Mike Arroyo na ngayon ay inilagay sa Watchlist Order ng Bureau of Immigration (BI) matapos iutos ni Justice Secretary Leila de Lima.

Katiwaran ng Kongresista, unfair ang ganitong patakaran dahil nilalabag nito ang right to travel at mistulang napapabilang sa listahan ng kriminal ang nasa watchlist order.

Kadalasan din umano ay tinatanggalan ng karapatan ang isang ina­akusahan pa lamang sa kaso at nakakaranas ng diskriminasyon at kawalan ng kalayaan sa kanilang karapatang bumiyahe.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

DEPARTMENT OF JUSTICE

EDCEL LAGMAN

HOLD DEPARTURE ORDER

HOUSE MINORITY

JUSTICE SECRETARY LEILA

LAGMAN

MIKE ARROYO

PANGULONG GLORIA

WATCHLIST ORDER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with