^

Bansa

'Magdadala ng bayong sa groceries bigyan ng discount'

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Isinusulong na sa Senado ang panukalang batas na nag­lalayong bigyan ng discount ang mga magdadala ng ba­yong at iba pang uri ng “reusable bag” sa kaniyang pamimili sa mga department stores at groceries.

Naniniwala sina Senators Manny Villar, Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Pia Caye­tano, mga nagsusulong ng panukala, na mas maeengganyo ang mga mamimili na gumamit ng bayong kung mabibigyan sila ng discount.

Maiiwasan umano ang paggamit ng plastic bags na labis na nakakadagdag sa polusyon.

Pabor din ang mga senador na tuluyan ng i-ban o ipagbawal ang paggamit ng mga plastic bags.

Pabor naman sa panukalang pagbibigay ng discount para sa mga gagamit ng ba­yong ang mga kinatawan ng Robinson’s Department Store at Robinson’s Supermarket sa isang public hearing ng Se­nate committee on trade and commerce.

Dumarami na ang mga lugar sa bansa na nagbabawal sa paggamit ng plastik upang maiwasan ang pagbaha tuwing umuulan. Kabilang dito ang ba­yan ng Lucban sa Quezon Province at maging ang siyudad ng Muntinlupa.

BONGBONG

DEPARTMENT STORE

DUMARAMI

FERDINAND

MARCOS JR.

PABOR

PIA CAYE

QUEZON PROVINCE

SENATORS MANNY VILLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with