^

Bansa

Trump pinatikim ni Pangulong Marcos ng chickenjoy

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinatikim ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay US President Donald Trump at sa kanyang delegasyon ang sikat na Jollibee Chickenjoy bilang meryenda sa gitna ng kanilang mga aktibidad sa Pilipinas.

Sa bilateral meeting ng dalawang lider sa Malacañang, binigyang-diin ni Marcos ang matagal nang pagkakaibigan ng Pilipinas at Estados Unidos at ang patuloy na paglago ng ugnayan ng dalawang bansa.

Ayon sa Pangulo, sa kabila ng maikling pananatili ni Trump sa bansa, nakapagsagawa na ito ng mahahalagang pagpupulong kasama ang iba pang world leaders na dumalo sa ASEAN Summit at mga kaugnay na pagpupulong noong Nobyembre 16 hanggang 18.

Dahil kapos na sa oras ang delegasyon ng Amerika, sinabi ni Marcos na pinadalhan niya noong isang gabi si Trump ng Jollibee Chickenjoy, isa sa pinakakilalang produktong Pilipino.

Ipinagmalaki rin ng Pangulo ang tagumpay ng Jollibee, na aniya’y nahigitan na ang KFC sa ilang merkado at naging isa sa mga pinakamatagumpay na Filipino food brands sa mundo.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with