^

Bansa

Malalaswang billboards 'di pwede sa EDSA

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Tama lamang umano na baklasin ang mga malalaswang billboards sa mga pa­ngunahing lansangan sa bansa lalo na sa Metro Manila dahil hindi maganda sa paningin ng mga bata.

Ito ang sinabi kahapon ni Senator Ramon Bong Revilla Jr., sa harap ng krisismong tinanggap ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos dahil sa ginawang pagpapatanggal ng billboard ng mga miyembro ng rugby team ng Pilipinas na “The Volcanoes”.

Ayon kay Revilla, nagpakita lamang ng political will si Abalos lalo pa’t marami na rin naman umanong nagrereklamo laban sa billboards na nagi­ging sanhi rin ng pagbagal ng trapiko sa EDSA.

“Magandang desisyon yung ginawa ni Mayor. Hindi naman tama na-idisplay yung katawan mo sa kalsada,” pahayag ni Revilla.

Dapat din aniyang magkaroon ng pamantayan kaugnay sa size o laki ng billboard na dapat ilagay sa mga pangunahing lansangan na nagpo-promote ng kung anu-anong produkto.

Matatandaan na naging isyu ang naglalakihang billboards sa kahabaan ng EDSA noong 2006 sa kasagsagan ng bagyong Milenyo matapos mamatay ang isang taxi driver sa kanto ng Estrella St. at Edsa Avenue samantalang ilan naman ang napaulat na nasaktan sa pagbagsak ng isang mala­king billboard.

Bagaman at nakalusot sa Senado ang panukalang batas na maglilimita sa laki ng billboards, pero hindi naman ito umusad sa House of Representatives.

Kabilang si Sen. Miriam Defensor-Santiago sa mga mambabatas na naniniwalang dapat magkaroon ng regulas­yon sa sukat ng billboards.

ABALOS

AYON

EDSA AVENUE

ESTRELLA ST.

HOUSE OF REPRESENTATIVES

MANDALUYONG MAYOR BENHUR ABALOS

METRO MANILA

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

REVILLA

SENATOR RAMON BONG REVILLA JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with