OFWs galing Libya kukunin ng European firms
MANILA, Philippines - Hindi na umano dapat mag-alala ang mga overseas Filipino workers na naapektuhan ng giyera sa Libya dahil magbubukas ng trabaho ang ilang European companies para sa mga ito.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), ang European Chamber of Commerce of the Philippines (ECCP) ay magbibigay ng oportunidad sa mga kuwalipikadong aplikante matapos na maapektuhan ang kanilang trabaho sa gulong nangyayari sa Libya. Nakatakdang magpulong ngayon ang DOLE at ang ECCP executives upang malaman kung ano ang mga bakanteng posisyon.
Kasabay nito, hinikayat din ng DOLE ang mga OFWs mula sa Libya na ikonsidera ang isasagawang job fair ng US Embassy para sa 6,000 local vacancies sa 33 American companies.
Ang pinagsanib na Foreign Chambers of the Philippines at Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII), ay interesado ring kunin ang mga OFW evacuees mula sa Libya na sasapat sa bakanteng posisyon.
- Latest
- Trending






















