^

Bansa

Kulong sa gagamit ng cell phone habang nagmamaneho

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Isinusulong na sa Se­nado ang panukalang batas na naglalayong pa­tawan ng pinakamabigat na multang P10,000 at 1-taong pagkabilanggo ang mga mahuhuling gu­magamit ng cellular phone habang nagmamaneho.

Nakapaloob sa Se­nate Bill 2709 na inihain ni Sen. Manny Villar ang pagpapataw ng multang P10,000 sa ikatlong pag­labag, P3,000 sa ikalawa at P1,000 para sa mga first offenders.

Nakasaad sa panukala na marami na ang naaaksidente sa pagmamaneho dahil abala ang driver sa pakikipag-usap o pagte-text.

Ang paggamit din ng cellular phone ang isa sa itinuturong dahilan sa banggaan ng dalawang train ng MRT kamakailan.

Sa report ng Philippine Global Road Safety Partnership (PGRSP) at ng Philippine National Police (PNP), ang cellphone-related accidents ay may 70 kaso lamang noong 2008 subalit tuma­lon ito sa 491 noong 2009.

Papayagan lamang umano ang paggamit ng cell phone habang nagmamaneho ng sasakyan kung may nakakabit na accessories tulad ng earphone, microphone o jack na may kakayahan na magpadala at tumanggap ng mensahe.

Maari ding gumamit ng cell phone kahit wa­lang accessories kung emergency ang pakay ng tawag.

ISINUSULONG

MAARI

MANNY VILLAR

NAKAPALOOB

NAKASAAD

PAPAYAGAN

PHILIPPINE GLOBAL ROAD SAFETY PARTNERSHIP

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with