^

Bansa

LRT, MRT fare hike tuloy

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Sa kabila ng kaliwa’t kanang oposisyon at batikos, nagpasya ang Department of Transportation and Communication (DOTC) at Light Rail Transit Authority (LRTA) na ituloy pa rin ang planong pagtataas ng pasahe sa LRT at sa Metro Rail Transit, pero nilinaw na hindi pa nila ipatutupad ang naturang fare hike sa Marso.

Ayon kay LRTA spokesperson Hernando T. Cabrera, alinsunod sa batas, konsultasyon lamang ang kinakailangan para makapagpatupad sila ng fare adjust­ment at hindi na kinakailangan pang magsumite ng petisyon sa LTFRB hinggil dito.

Inaprubahan nng LRT board ang “P11 plus P1” fare adjustment o P11 bilang boarding fee, at karagdagang P1 kada kilometro sa LRT at MRT lines, o maximum fare na P30, na higit na mataas sa kasalukuyang pasahe na P15.

Magbibigay naman ang LRT 1 at 2, gayundin ang MRT, ng 20% discount para sa mga estudyante at mga person with disabilities (PWDs) at 20% discount sa mga senior citizens.

AYON

CABRERA

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

FARE

HERNANDO T

INAPRUBAHAN

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

MAGBIBIGAY

MARSO

METRO RAIL TRANSIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with