^

Bansa

Lifetime validity ng Unified PWD IDs pinuri

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Lifetime validity ng Unified PWD IDs pinuri
Photo shows a PWD ID from Quezon City and one from Dasmariñas City, Cavite.
Philstar.com / Dominique Nicole Flores

MANILA, Philippines — Pinuri ni Sen. Erwin Tulfo ang patakaran ng National Council on Disability Affairs (NCDA) na gawing lifetime valid ang Unified Persons with Disabilities (PWD) ID para sa mga may permanenteng kapansanan.

Sa ilalim ng NCDA Administrative Order No. 001, Series of 2026, ipatutupad ang digitally integrated at nationally recognized na sistema ng pagkakakilanlan para sa mga kwalipikadong PWD. Layunin din nito na masawata ang paggamit ng pekeng PWD IDs.

Nagpasalamat si Tulfo sa NCDA dahil nakahanay ito sa kanyang isinusulong na Senate Bill No. 1405 na naglalayong gawing lifetime ang validity ng PWD IDs.

Ayon sa senador, mababawasan ang gastos at abala ng mga PWD dahil hindi na nila kailangang kumuha ng medical certificate sa bawat renewal.

Dagdag pa niya, mas mapapalakas ang umiiral na NCDA administrative order kapag naisabatas ang kanyang panukala.

Sa ilalim ng bagong patakaran, ang mga kasalukuyang may PWD ID ay kailangan na lamang magpaberipika ng kanilang disability certificate, habang ang mga bagong aplikante ay dapat magsumite ng certificate of disability na pirmado ng lisensyadong medical specialist.

PWD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with