^

Bansa

PNP may 500 tips sa pinagtataguan ni Bato

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
PNP may 500 tips sa pinagtataguan ni Bato
Sen. Ronald "Bato" dela Rosa shows his bandaged fingers to the media before the start of the plenary session at the Senate on May 12, 2026.
The Philippine STAR / Noel Pabalate

MANILA, Philippines — Inihayag ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., na mahigit 500 impormasyon na ang kanilang natanggap hinggil sa posibleng kinaroroonan ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, na pinaghahanap ng International Criminal Court (ICC). 

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Nartatez na sinisiyasat na nila ang mga ulat na nakita si Dela Rosa sa Mindanao, Visayas, Bicol at ilang bahagi ng Luzon, kabilang ang mga liblib na isla at komunidad. Aniya, ang lahat ng impormasyon ay bineberipika, malayo man at liblib na lugar. 

Gayunman, hindi pa rin mahanap ang senador. Hindi naman titigil ang kapulisan sa paghahanap dahil ipinatutupad lamang nila ang batas. Tiwala si Nartatez na mahahanap din nila si Dela Rosa. Ani Nartatez hindi naman habambuhay pugante ang senador.

Nauna nang nagtalaga ang PNP ng limang hotline na bukas 24 oras upang makatanggap ng impormasyon mula sa publiko. Tiniyak ng pulisya na mananatiling confidential ang pagkakakilanlan ng mga magbibigay ng impormasyon. 

Nakatanggap din ang mga himpilan ng pulisya at mga opisyal ng mga ulat sa pamamagitan ng text message at iba pang paraan ng komunikasyon.

Nag-alok naman ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng P50 milyong pabuya para sa impormasyong magdudulot sa pagkakaaresto kay Dela Rosa.

Naglabas ang ICC ng warrant of arrest laban sa senador noong Nobyembre 6, 2025, na isinapubliko noong Mayo 11, 2026, kaugnay ng alegasyon ng pananagutan niya sa krimen laban sa sangkatauhan na pagpatay sa ilalim ng kampanya kontra droga ng administrasyong Duterte.

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with