^

Bansa

Globe, hatid ang libreng access sa AI tools sa milyon-milyong Pilipino ngayong Pasko

Philstar.com
Globe, hatid ang libreng access sa AI tools sa milyon-milyong Pilipino ngayong Pasko
Inanunsyo ang inisyatiba sa Holiday Edition ng “The Blueprint by Globe” bilang bahagi ng Christmas campaign ng kompanya na “Make Your Magic Happen”.
Globe

MANILA, Philippines — Hatid ng Globe Telecom ang libreng access sa artificial intelligence (AI) tools sa milyun-milyong mobile at broadband customers nito ngayong holiday season sa pamamagitan ng AI Fiesta platform, sa layuning mas mapalawak ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa bansa.

Sa ilalim ng limitadong offer, maaaring gamitin ng mga customer ang iba’t ibang AI models at creative tools upang gumawa ng mga larawan at video, maghanda ng presentations, at bumuo ng websites nang walang bayad sa itinakdang panahon ng promo.

Saklaw ng libreng access ang Globe Circle at Globe Platinum customers mula Nobyembre 15, 2026 hanggang Enero 16, 2027. Samantala, maaari namang gamitin ng Globe Prepaid, Postpaid, Broadband, at TM customers ang platform nang libre mula Disyembre 1 hanggang 31, 2026.

Inanunsyo ang inisyatiba sa Holiday Edition ng “The Blueprint by Globe” bilang bahagi ng Christmas campaign ng kompanya na “Make Your Magic Happen.”

Pinagsama-sama ng AI Fiesta sa iisang platform ang iba’t ibang AI models, kabilang ang Claude, Gemini at ByteDance, gayundin ang mga tool para sa paglikha ng iba’t ibang digital content.

Kabilang sa mga feature nito ang Super Fiesta, na awtomatikong pumipili ng angkop na AI model batay sa tanong ng user, at Consensus, na pinagsasama ang mga sagot mula sa iba’t ibang AI models upang makapagbigay ng mas malawak na pananaw sa isang paksa.

Ayon kay Globe President and CEO Carl Cruz, layunin ng inisyatiba na gawing mas accessible ang AI sa mga customer upang magamit nila ang teknolohiya sa pag-aaral, trabaho, at pagtuklas ng mga bagong oportunidad.

“Technology makes the greatest impact when people know how to use it for their inherent benefits and advantages,” sabi ni Cruz.

Sinabi niya na nais ng Globe na mas maraming Pilipino ang makinabang sa AI, kasunod ng naging papel ng internet access sa pagbabago ng paraan ng pakikipag-ugnayan, pag-aaral, at paglikha ng mga oportunidad.

Samantala, isinaad ni Globe Chief Commercial Officer Darius Delgado na sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng iba’t ibang AI tools sa iisang platform, mas mapapadali para sa mga customer ang pagtuklas at paggamit ng teknolohiya sa kanilang pang-araw-araw na gawain.

“AI should be accessible, easy to use, and meaningful to everyday life,” dagdag ni Delgado.

Sa alok na ito, inaasahang mas maraming customer ang magkakaroon ng pagkakataong subukan at gamitin ang AI-powered tools para sa trabaho, pag-aaral, at content creation ngayong holiday season. (Contributed story)

AI

GLOBE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with