^

Bansa

Klase sa Mt. Bulusan apektado na

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Apektado na ang klase sa mga pampublikong paaralan sa bisinidad ng nag-aalburutong Mt. Bulusan sa Sorsogon.

Ayon sa Department of Education, nagpapatupad na ngayon ng “shifting schedule” ang mga paaralan sa bayan ng Irosin kabilang na ang Gallanosa National High School dahil sa ginawang evacuation area ang higit sa pitong silid-aralan nito ng mga residenteng apek­tado ng lahar flow at nasa danger zone.

Ang iba pang paaralan na nagpapatupad ng shifting schedule ay ang Cogon Elem. School, Bolos Elem. School, Guruyan School at Sangkayan School.

Hirap naman ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral dahil sa nala­langhap na abo na ibinubuga ng bulkan. Dahil dito, namigay na ng 4,000 face masks ang mga lokal na pamahalaan upang magamit ng mga guro at mag-aaral habang nagka-klase.

Sinabi ng DepEd na pipilitin pa rin nilang mairaos ang klase sa mga paaralan sa paligid ng bulkan upang hindi masakripisyo ang pag-aaral ng mga estudyante. 

APEKTADO

AYON

BOLOS ELEM

COGON ELEM

DEPARTMENT OF EDUCATION

GALLANOSA NATIONAL HIGH SCHOOL

GURUYAN SCHOOL

MT. BULUSAN

SANGKAYAN SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with