^

Bansa

P2.8-B lupain sa Tondo kukumpiskahin!

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nakaamba ang isang legal battle sa pagitan ng lungsod ng Maynila at Inter­national Container Termi­nal Services, Inc. (ICTSI) ka­ugnay ng kon­trobersyal na P2.8 bilyong “secret reclamation” sa Isla Puting Bato, Tondo, Manila.

Ayon kay Vice Mayor Isko Moreno, inihahanda na ang sandamakmak na kaso laban sa mga opisyal ng ICTSI at sa kontratista ng proyekto, ang Hanjin Construction. Kasama na rito ang pag­kumpiska sa 12-ektaryang reclaimed land na ayon kay Moreno ay “illegal.”

Wala umanong per­miso at hindi alam ng pa­mahalaang lungsod ang ginawang reclamation sa bahagi ng Manila Bay.

“Either they (ICTSI/Hanjin) are grossly ignorant of the (pertinent) laws or simply arrogant. ‘Yun bang wala silang paki­ alam sa awtoridad ng pama­halaang lungsod at lokal na konseho ng Maynila,” galit na paha­yag ni Moreno.

Si Moreno, na lumaki sa hirap sa lugar ng Isla Puting Bato, ang mismong nakadiskubre sa proyekto ng mapadalaw ito noong nakaraang Pebrero at mapansin ang ginawang pagbabakod ng ICTSI sa malawak na bahagi ng Manila Bay.

“Mayroon na palang ‘independent republic of ICTSI’ sa sentro ng May­nila ng hindi namin nalala­man; hindi puwede yan,” diin pa nito.

Bilang vice mayor, si Moreno rin ang presiding officer ng Konseho ng Maynila.

“Ayon sa mga kaba­bayan ko dito, 2008 pa binakuran at sinimulan ang proyekto pero kami sa local­ government, wala kaming kaalam-alam,” nanggigil na banggit pa ng bise alkalde.

Nagbanta pa si Moreno na bukod sa ‘closure order,’ posible rin nilang ire­komenda kay Manila Mayor Alfredo Lim na bawiin ng lung­sod ang naturang lupain.

“Walang titulo ‘yan, that is considered now a part of the public domain which the local government can appropriate for its own needs,” paliwanag pa nito.

Sa ipinatawag na pag­dinig ng konseho, ikinat­wiran ng ICTSI na hindi na “kailangan” ang permiso ng lokal na pamahalaan dahil sakop umano ito ng awtoridad ng Philippine Ports Authority (PPA).

Ang ICTSI ay kumpan­yang pag-aari ng pamilya Razon na kilalang kaal­yado ng nakaraang admi­nistrasyon ni Pang. Gloria Macapagal Arroyo. Ang ICTSI rin ang private ope­rator ng Manila International Container Port (MICP), malapit sa kontro­bersiyal na reclamation project.

Bagaman 2008 pa nasimulan ang reclamation project, nga­yong taon lang umano naisipan ng Hanjin na kumuha ng business permit sa Maynila kung saan nagbayad ito ng P47,000 buwis sa dinek­lara nitong kapital na P5 milyon.

“Kundi ba naman kami (Manila city officials) gus­tong ‘goyoin’ ng mga ito, paano nangyari na ang isang kumpanya na may dineklarang P5 milyon kapital ay nakagawa ng proyektong ginastusan daw ng P2.8 bilyon,” tanong pa ni Moreno.

Aniya pa, kahit piso ay wala pa ring binayaran na contractor’s tax ang ICTSI na aabot sa P21 milyon.

AYON

CONTAINER TERMI

ICTSI

ISLA PUTING BATO

MANILA BAY

MAYNILA

MORENO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with