Romualdez: Maging patas
Apela sa Ombudsman
MANILA, Philippines — Umapela kahapon ang kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa Ombudsman na maging patas at bigyan ng tsansa ang Kongresista ng Leyte na magresponde at magkomento sa panibagong alegasyon laban dito.
Ayon kay Atty. Ade Fajarco, legal counsel at Spokesman ni Romualdez, ang kanilang panawagan sa Ombudsman ay sa gitna ng alegasyon ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na napre-pressure umano siya para idawit sa flood control scam si Romualdez.
Sa kahilingan ng Ombudsman ay tinanggal na ang pangalan ni Bonoan sa P573 milyong kasong plunder at graft habang pinalaya rin ito sa pagkakakulong ng tatlong miyembro ng Sandiganbayan 5th Division sa kontrobersyal na desisyon na mariing binatikos ng isang miyembro rin ng nasabing korte na hindi pabor sa ruling.
“We are requesting the Ombudsman to inform us if there is any allegation from Secretary Bonoan against former Speaker Romualdez and to give us ample time to comment on it,” saad ni Fajardo.
Ayon kay Fajardo may bagong report din ang Ombudsman na may 28 pang mga bagong testigo kung saan ay nais nilang alamin kung may mga testimonya ang mga ito sa kanilang kliyente para magkaroon din ito ng oportunidad na tugunin ang reklamo.
- Latest



















