Habagat magpapaulan sa Luzon, Visayas
MANILA, Philippines — Uulanin ngayong Lunes, Setyembre 7, ang ilang bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa patuloy na epekto ng Southwest Monsoon o Habagat, ayon sa PAGASA.
Apektado ang Zambales, Bataan, Batangas, at Occidental Mindoro na may paminsan-minsang pag-ulan ang inaasahan. Ang Metro Manila, Ilocos Region, Central Luzon, nalalabing bahagi ng CALABARZON at MIMAROPA, pati na rin ang Abra, Benguet, at Antique ay may maulap na kalangitan na may kalat-kalat na ulan at thunderstorm. Ang nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas ay bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan.
Localized thunderstorm ang magdadala ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan sa Mindanao.
Huling namataan ang Tropical Storm Krovanh sa layong 1,035 km hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon.
Kumikilos ito pa-silangan sa bilis na 10 kph, taglay ang lakas ng hangin na 65 kph malapit sa gitna at bugso na hanggang 80 kph.
- Latest


























