^

Bansa

Infrastracture masterplan vs unfinished, substandard projects isinusulong ‘

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling nanawagan si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Erwin Tulfo para sa mabilis na pagpasa ng “Masterplan for Infrastructure and National Development (MIND) Act,” na naglalayong bumuo ng isang komprehensibong national masterplan para sa mga impraspraktura sa buong bansa.

Kasalukuyang nakabinbin ang naturang panukalang batas sa Senate Committee on Economic Affairs.

“Binunyag ng mga tuluy-tuloy na pag-ulan kung nasaan ‘yung mga substandard na projects. Ang daming mga tulay at kalsada ‘yung sira agad. Meron pang mga unfi­nished kasi ‘yung Phase 1 napondohan tapos ‘di na ‘yung susunod,” pahayag ni Tulfo.

“Nag-aaksaya tayo ng pondo ng bayan sa mga public infrastructure projects na hindi naman napapakinabangan ng publiko. Lahat po iyan dahil lang sa kapabayaan sa pagpaplano,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin ng tagapangulo ng Blue Ribbon Committee na lalong nagiging mahalaga ang “MIND Act” ngayong sinisimulan na ng Mataas na Kapulungan ang talakayan ukol sa panukalang 2027 National Budget.

“Kailangan naming mag-triple time upang matukoy na at matapos ang mga nakatenggang proyekto. Para naman sa mga pino-propose pa lamang, dapat konektado sa plano hanggang sa local level” ani Tulfo.

“Ang mga proyektong impraspraktura dapat matagal mapakinaba­ngan, kayang salagin ‘yung extreme weather conditions, at dapat ‘di nakabase sa kung sinong nakaupo sa pamahalaan,” sabi ni Tulfo.

ERWIN TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with