Luistro sinibak ang lahat ng undersecretaries
MANILA, Philippines - Sinibak kahapon ni Education Secretary Armin Luistro ang lahat ng ‘undersecretaries’ at pinalitan niya ito ng kanyang mga ‘pinagkakatiwalaan’.
Ang itinalaga ni Sec. Luistro na mga bagong undersecretaries ay sina Atty. Alberto Muyot for legal affairs at spokesman; Rizalino Rivera for regional operations at investment excutive director Francisco Varela for finance and administration at Yolanda Quijano for programs and projects.
Binuwag din ng DepEd chief ang posisyong undersecretary for Muslim Affairs at GSIS and special concerns.
Iniisip din ng mga bagong hirang na opisyal na magbawas ng empleyado sa DepEd dahil sa liit ng kanilang pondo.
- Latest
- Trending