^

Bansa

Cuerpo pinasasagot

- Danilo Garcia -

RODRIGUEZ, RIZAL , Philippines  -  Pinasasagot ng isang grupo ng mga mangga­gawa sa bayang ito kay suspended Mayor Pedro Cuerpo ang umano’y ma­anomalya, kwestyunable at nawawalang P5 milyong “provident fund” ng mga nagtrabaho sa lokal na pamahalaan.

Ayon sa grupong Bagong Rodriguez, Bu­mangon na binubuo ng mga manggagawa sa bayan at mga empleyado ng munisipyo ng Rodri­guez, hanggang sa nga­yon ay hindi maipaliwanag at mabayaran ng lokal na pamahalaan ang provident fund na kinolekta noong namumuno pa si Cuerpo na nakalaan sa kanilang mga benepisyo.

Ang provident fund ay ibinabawas sa sweldo ng isang manggagawa at kung saan sinasagot at tinutumbasan ng lokal na pamahalaan ang kalahati.  Ang kabuuang halaga ng provident fund na ito ay itinatabi at dapat ay ide­posito sa bangko upang may magamit ang isang trabahador sa panahon ng kagipitan o kapag siya ay nagretiro na.

Ayon sa BRB, aabot sa mahigit na P10 milyon ang provident fund na ito na dapat ay hawak pa ng lokal na pamahalaan ng Rod­riguez.

Pero sa kasamaang palad, ayon kay BRB national president Francisco Reyes, lumalabas sa na­ kuha nilang impormas­yon na kulang na ito, at un­accounted pa ang P5 milyon o kalahati ng nasa­bing pro­vident fund ng mga mang­gagawa.

AYON

BAGONG RODRIGUEZ

FRANCISCO REYES

FUND

MAYOR PEDRO CUERPO

PERO

PINASASAGOT

RODRI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with