^

Bansa

Solon sinisi sa maruming tubig

-

OLONGAPO CITY  , Philippines – Kon­taminado umano ang suplay ng tubig sa dalawang komunidad sa lunsod na ito na proyekto ng isang kilalang kongresista.

Nagbabala ang City Health Office ng Olongapo sa mga residente ng Dumlao, Skipper at Abra St. sa Barangay Barretto at Ka­laklan na huwag inumin o gamitin ang tubig mula sa mga PVC pipes na ipinalagay ng naturang kongresista matapos lumitaw sa bacteriological tests na positibo sa coliform ang pinanggagali­ngan ng nasabing tubig.

Sinabi ng mga health officials dito na ang tubig na dumadaloy patungo sa kanilang lugar ay maaring pagmulan ng mga waterbone diseases tulad ng cho­lera, typhoid fever, hepatitis at diarrhea.

Ayon naman sa Subicwater, supplier ng tubig sa Olongapo at Subic Freeport, wala silang kinalaman sa water connection na pinagawa ng mambabatas. Ipinasuri ng naturang ahensiya ang mga sample ng tubig mula sa source nito at napatunayan na hindi ito ligtas upang gamitin ng tao.

Kahit walang koordinasyon sa Subicwater at pamahalaang lungsod ay minadali ng mambabatas ang pagpapakabit ng mga tubo upang magkaroon ng tubig sa lugar. Tinatayang mahigit 1,000 pamilya ang target na beneficiaries ng proyekto, karamihan sa mga ito ay pawang mga botante.

ABRA ST.

AYON

BARANGAY BARRETTO

CITY HEALTH OFFICE

DUMLAO

OLONGAPO

SUBIC FREEPORT

SUBICWATER

TUBIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with