^

Bansa

Kagawad nagpasaklolo sa NCRPO chief

-

MANILA, Philippines - Nagpasaklolo na kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) Chief Roberto Rosales at sa media ang isang ba­ran­gay kagawad ng May­nila ma­tapos umano itong ma­katanggap ng pana­nakot at pagbabanta sa kanyang buhay at pa­milya nito.

Ayon kay Raniel Ca­riño ng Balot, Tondo at ba­rangay kagawad ng Brgy. 133 Zone 11 District 1, halos may isang buwan na siyang nagtatago at hindi umuuwi sa kanilang bahay dahil sa takot na pati ang kanyang pamilya ay ma­damay sa pangha-harass umano ng mga taga-Manila City hall.

Nagsimula umano ang pananakot sa kanya noong nakaraang buwan mata­pos niyang sitahin at ha­bulin ang mga taga-Department Public Safety (DPS) nang sumakay ang mga ito sa crew cab nila Cariño at agawin ang mga posters ni dating Manila Mayor Lito Atienza. Naha­bol umano ng grupo ni Carino ang mga taga DPS sa mismong brgy. nito kayat posibleng nagtanim sila ng galit sa Kagawad.

Matapos ang insidente ay sunud-sunod na pag­ba­­banta na ang kanyang natatanggap kabilang na ang mga txt na nagsasa­bing “magtago ka na hindi ka namin titigilan”.

Nababahala din si Cariño sa buhay ng kan­yang pamilya dahil ibat ibang uri ng sasakyan at motorsiklo ang uma­aligid sa kanilang bahay, kabi­lang ang isang may plate no. FRP-878.

Dahil dito kayat humi­ngi na ng tulong si Cariño kay Rosales at sa mga taga-media.

vuukle comment

AYON

CARI

CHIEF ROBERTO ROSALES

DEPARTMENT PUBLIC SAFETY

MANILA CITY

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

RANIEL CA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with