^

Bansa

Biyahe ng barko ng Besta pinapipigil

-

MANILA, Philippines - Hihilingin ngayon ng Retired Seafarers Association Inc. sa Maritime Industry Authority sa pama­magitan ng kanilang abo­gado na si Atty. Toto Causing na huwag na munang payagan makapaglayag ang limang barko ng Besta Shipping Lines habang hindi nababayaran ang lahat ng mga kaanak ng mga naging biktima ng paglubog ng M/V Baleno 9.

Sa isang Media forum sa Maynila kahapon, sinabi ni RESAI Secretary General Retired Radio Officer Delfin Fariola na marami sa mga biktima ang humi­hingi ng tulong upang mabigyan ng katarungan ang kanilang mga mahal sa buhay na tuluyang nilamon ng karagatan at nais din ang kagyat na ka­bayaran.

Nasa 30 pasahero ang mga nawawala sa mala­gim na trahedya at anim ang kumpirmadong patay na hindi pa umano naka­katanggap ng bayad mula sa naturang kumpanya.

Dismayado din ang mga kaanak ng mga na­matay dahil umano sa ayaw makipag-usap sa kanila ang may ari ng barko na si Mr. Pedro. Sa halip, kung sinu-sino la­mang umano ang pinaha­harap sa kanila tuwing pupunta sila sa opisina ng Besta Shipping Lines.

Nakakalungkot din umano ang pahayag ng Strong Hold Insurance Company na hindi sila ma­ aring magbayad sa mga nawawalang biktima sa loob ng isang taon matapos ideklarang patay na ang mga nangawalang biktima.

Sinisisi din ng mga nagrereklamong pasahero ang kapabayaan ng natu­rang kumpanya kaugnay sa hindi paglalagay ng mga pangalan ng mga pasahero sa tunay na ma­nifesto ng barko bago umalis ng pantalan.

 Magugunita na binalot ng lagim ang karagatan ng Isla Verde sa Batangas City matapos lumubog ang M/V Baleno 9 noong Dis­yembre 26. (Mer Layson)

vuukle comment

BATANGAS CITY

BESTA SHIPPING LINES

ISLA VERDE

MARITIME INDUSTRY AUTHORITY

MER LAYSON

MR. PEDRO

RETIRED SEAFARERS ASSOCIATION INC

SHY

V BALENO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with