^

Bansa

Nationwide gun ban simula na sa Enero 10

-

MANILA, Philippines - Simula sa Enero 10 ng taong ito, epektibo nang ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang election gun ban sa buong bansa upang ma­iwasan ang pagdanak ng dugo sa nalalapit na national elections sa Mayo.

Sinabi ni PNP Chief Director General Jesus Ver­zosa, umpisa Enero 10 lahat ng pribilehiyo para maka­pag­dala ng armas sa ilalim ng Permit To Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) ay sus­pendido na sa buong pa­nahon ng election period.

Maging ang mga police security escort na nakata­laga sa mga opis­yal ng gobyerno, VIP’s at iba pang mga pribadong indibidwal ay saklaw ng gun ban.

“Only PNP, AFP, NBI personnel and Protective Agents of PDA (Private Detective Agencies) shall be deputized as security detail during the election period provided that these personnel shall be in proper uniform and in the actual performance of official security duties,” ani Verzosa kung saan kapag naka-duty lamang ang mga ito ‘exempted’ sa gun ban.

Gayundin sa pagbibi­yahe ng mga armas ay ang mga may regular na plantilla ng PNP, AFP at mga law enforcement agencies na may malinaw na rank, serial number, pa­ngalan at may mission/letter orders ang papaya­gan ng batas.

Samantalang ang mga baril na nakaisyu sa mga security guards ay dapat nakadeposito kung off-duty ang mga ito.

“The general rule is that only persons in authority who are in proper uniform and in actual performance of official duty are allowed to carry firearms during the election period,” paglilinaw ni Ver­zosa.

Alinsunod pa sa ipina­tutupad na gun ban, si­nabi ni Verzosa na lahat ng mga nakasuot ng si­bilyan ay hindi awtorisa­dong mag­dala ng baril at aarestuhin ang mga ito ng mga alagad ng batas. (Joy Cantos)

CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VER

ENERO

FIREARMS OUTSIDE RESIDENCE

JOY CANTOS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PRIVATE DETECTIVE AGENCIES

PROTECTIVE AGENTS

SHY

VERZOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with