^

Bansa

23 pang nawawala sa barko vs bangka hanap

-

MANILA, Philippines - Patuloy ang search operations ng pinagsanib na elemento ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy (PN) sa 23 pang nawawalang katao na lulan ng lumubog na ferry boat matapos ang bang­ gaan ng dalawang barko sa karagatan ng Limbones Island, Cavite kamakalawa.

Base sa report ng National Disaster Coordinating Council (NDCC), hindi ina­lintana ng search and rescue teams ang kapaskuhan sa pagbabakasakaling may maililigtas pa ng buhay sa mga nawawalang katao.

Sa tala ng NDCC, apat na katao ang nasawi sa trahedya habang nasa 46 naman ang nailigtas mula sa lumubog na ferry M/V Cathalyn B na nakabang­gaan ng isang barkong pangisda F/V Natalia.

Kabilang sa mga nasa­wi si Beverly Cabinillo, 34 anyos; Relly Morales, 71 at dalawang iba pa. Nareko­ber ang apat na napadpad sa Manila Bay.

Ang M/B Cathalyn na may 14 tripulante at 59 pa­sahero ay patungong Lu­bang Island, Occidental Min­doro nang mangyari ang malagim na trahedya na nataon pa sa mismong bisperas ng pasko. Ang barko ay may kapasidad na 126 katao.

Nangangamba naman ang mga survivors na baka naipit ang mga nawawala pang biktima sa lumubog na barko. Nasa lalim na 220 talampakan ang kinalubu­gan ng M/V Cata­lyn. (Joy Cantos)

ANG M

B CATHALYN

BEVERLY CABINILLO

JOY CANTOS

LIMBONES ISLAND

MANILA BAY

NATIONAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

OCCIDENTAL MIN

PHILIPPINE COAST GUARD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with