^

Bansa

House inquiry vs PASG may gustong pagtakpan na isyu?

-

MANILA, Philippines - Binalewala lang ni Pre­sidential Anti-Smuggling Group (PASG) head Antonio “Bebot” Villar ang gina­wang Congressional hearing at tinawag itong isang “well-orchestrated at well-funded” public relations stunt na ikinasa ng isang al­yansa ng mga personalidad na may layuning ipa-abolish ang ahensiya.

Sinabi ni Villar na ang anti-PASG campaign, tulad ng inaasahan, ay sinimulan ng isang Agapito Mendez Jr., isang suspendidong broker na iniimbestigahan ng ahensiya dahil sa maanomalyang shipment na binubuo ng 5,000 containers ng textile fabrics at plastic resin na dapat sa­na’y nagbigay sa gobyerno ng P1.4 billion sa buwis at iba pang duties.

Dahil sa kanyang mala­wak na impluwensiya at abogadong si Bonifacio Alentajan, nakumbinsi ni Mendez si Albay Rep. Francis Bichara at ilang miyembro ng Kamara na isagawa ang publicity stunt na layong durugin ang Executive Order No. 624, ang batas na lumikha sa PASG.

Sa kanyang parte, na­ha­harap naman si Bichara, na nagbigay ng isang ma­anghang na privilege speech laban sa PASG bago ang hearing, sa isang citizenship case na isinam­pa sa Commission on Elections noong 2007 elections at dahil dito, nag-aalangan siya kung itutuloy ang planong tumakbo bilang gobernador sa 2010.

Sa kabila noon, nagsilbi siya bilang congressman ng ikatlong distrito ng Albay ng siyam na taon at naging gobernador pa ng nasabing lalawigan ng siyam pang taon.

Hindi naman ikinagulat ang privilege speech ni Bichara dahil may alitan ito sa PASG operatives ukol sa umano’y illegal na impor­tas­yon ng hot luxury cars.

Sa kabilang dako, ipinaliwanag naman ni Villar na sina Alentajan at Men­dez ay nais makaganti sa PASG dahil ang abo­gado ay defense counsel ng inakusahang jewelry smuggler na si Ms. Alpha Kwok habang si Mendez ay naha­harap sa kasong paglabag sa Tariff and Customs Code of the Philippines. (Butch Quejada/Gemma Garcia)

AGAPITO MENDEZ JR.

ALBAY REP

ANTI-SMUGGLING GROUP

BICHARA

BONIFACIO ALENTAJAN

BUTCH QUEJADA

EXECUTIVE ORDER NO

FRANCIS BICHARA

GEMMA GARCIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with