^

Bansa

C. Luzon tutumbukin ni Santi, MM dadaanan

-

MANILA, Philippines - Nananatili ang lakas ng bagyong Santi habang patuloy ang pagkilos patungo sa Central Luzon.

Kahapon, si Santi ay namataan ng PAGASA sa layong 890 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora taglay ang lakas ng hanging 150 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 185  kilo­metro bawat oras.

Bunsod nito, nakataas ang signal no. 2 sa Polillo Island at signal no. 1 sa Isabela, Ifugao, Aurora, Quirino, Nueva Viscaya, Nueva Ecija, Bulacan, Rizal, Quezon Ca­ma­rines Norte, Camarines Sur at Catan­duanes. Kaugnay nito, binalaan ni PAGASA Director Prisco Nilo ang mga taga Metro Manila na maghanda dahil posibleng maapektuhan ang kalakhang Maynila ng bagyong Santi.

“At this point mga 30 percent probability dadaan or very close over Metro Manila ... Puwedeng dadaan ang bagyo malapit sa Metro Manila, nariyan ang possibility na yan. Ang sa Metro Manila, kailangan maghanda tayo kung sakaling ang bagyo dumaan nang malapit,” pahayag ni Nilo.

Tiniyak ni Nilo na maglalandfall si Santi ngayong Biyernes ng gabi at dadaan ng Metro Manila. (Angie dela Cruz)

CAMARINES SUR

CENTRAL LUZON

DIRECTOR PRISCO NILO

METRO MANILA

NILO

NUEVA ECIJA

NUEVA VISCAYA

POLILLO ISLAND

QUEZON CA

SANTI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with