^

Metro

Ginang ginilitan sa harap ng anak, kritikal

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa kritikal na kondisyon ang isang 34-anyos na ginang matapos pagtatagain sa leeg ng kanyang kapitbahay habang naglalakad kasama ang kanyang paslit na anak sa Barangay Potrero, Malabon City, nitong Huwebes ng umaga.

Patuloy na inoobserbahan sa Fatima Medical Center ang biktimang kinilala sa alyas na “Sharmaine” dahil sa malalim na sugat na tinamo sa leeg. Samantala, nadakip naman ang suspek na si alyas “Melad,” 39, na kilala rin sa alyas na “Eh Eh,” dakong alas-1:40 ng hapon sa naturang barangay.

Sa ulat kay Northern Police District (NPD) Director Police Brig. Gen. Benliner Capili, naglalakad ang biktima habang akay ang anak sa Doña Juana Street, Barangay Potrero, dakong alas-10:15 ng umaga nang biglang sumulpot sa kanyang likuran ang suspek na armado ng itak at pagtatagain siya sa leeg.

Batay sa paunang imbestigasyon, personal na alitan umano ang motibo sa likod ng pananaga. Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang iba pang detalye kaugnay ng insidente.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek habang inihahanda ang kasong frustrated murder laban sa kanya.

CAPILI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with