^

Bansa

GMA, pinahihingi ng 20,000 nurses quota kay Obama

-

MANILA, Philippines - Giniit kahapon ni Senate Minority Leader Aqui­lino Pimentel Jr. na dapat humirit ng 20,000 quota para sa mga Filipino nur­ses si Pangulong Gloria Arroyo kay US President Barack Obama sa pag­kikita nila.

Ayon kay Pimentel, nalaman niya sa kanyang pagdalaw sa Amerika na aabot sa 1 milyong nur­ses ang kakailanganin ng nasabing bansa pagsapit ng 2020.

Malaking bagay aniya kung hihirit ang Pangulo ng 20,000 na quota para sa mga Filipino nurses at huwag nang pahirapan ang mga ito pagdating sa pagkuha ng visa.

Nalaman din umano ni Pimentel na patuloy ang pangangailangan sa nur­ses ng bansang Ame­rika pero nahihirapan la­mang ang mga Pinoy nur­ses na makakuha kaagad ng visa.

Malaking tulong aniya para sa mga nurses natin kung maihahatid ni Pa­ngu­long Arroyo ang kani­lang mga hinaing sa gob­yerno ng Amerika parti­kular kay President Oba­ma. (Malou Escudero)


AMERIKA

AYON

MALAKING

MALOU ESCUDERO

PANGULONG GLORIA ARROYO

PIMENTEL JR.

PRESIDENT BARACK OBAMA

PRESIDENT OBA

SENATE MINORITY LEADER AQUI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with