^

Bansa

Ruby Rose murder: Kredibilidad ni Montero binira

-

MANILA, Philippines – Binira kahapon ni Atty. Ferdinand Topacio, abu­gado ng mga respondents sa kasong Ruby Rose Jimenez murder, ang kredibilidad ng testi­gong si Manuel Montero sa isinagawang preliminary investigation sa Department of Justice.

Bukod pa rito, iginiit nila na malabong si Ruby ang sinementong bang­kay na natagpuan sa loob ng isang drum sa ilalim ng Manila Bay sa may Na­votas dahil ang biktima ay 5’9 habang ang na­ ku­hang bangkay ay nasa 5’6 la­mang ang taas.

Mariing iginiit ng kam­po ng mga akusado na paghihiganti lamang ni Montero ang motibo kaya sila idinadawit sa pag­patay .

Sinabi ni Lope Jime­nez, isa sa akusado, na tinanggal niya sa trabaho, may dalawang taon ang nakalipas, si Montero da­hil sa iregularidad umano nito sa kumpanya.

Idinagdag pa ni Topa­cio na maraming inconsistencies sa testimonya ni Montero tulad ng sina­sabing 1994 pa siya em­pleyado gayung 2001 lang daw naorganisa ang BSJ (Buena Suerte Jime­nez Fishing And Trading Company) at may security and exchange records daw na makakapagpa­tunay nito.

Imposible anyang mag­­sabwatan ang mag­kapatid na sina Atty Ma­nuel Jime­ nez II (biyenan ni Ruby) at Manuel Jimenez III (kapatid ni Manuel Jime­nez II) dahil may matagal nang hidwaan sa negos­yo ang dalawa mula pa nung 2005.

Hindi rin umano ko­nek­tado si Atty. Jimenez sa kumpanya ng kapa­tid.

Posible rin umanong buhay pa si Ruby, o hindi si Ruby ang bangkay na ipinalibing ng pamilya Barrameda dahil wala naman silang nakitang death certificate. Mas ma­laking injustice daw ito kung lalabas na ibang tao pala ang bangkay at nili­litis ang mga taong di da­pat malitis. (Ludy Bermudo)


vuukle comment

ATTY MA

BUENA SUERTE JIME

DEPARTMENT OF JUSTICE

FERDINAND TOPACIO

FISHING AND TRADING COMPANY

LOPE JIME

LUDY BERMUDO

MANILA BAY

MANUEL JIME

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with