^

Bansa

DepEd kakalas sa GSIS

-

Nakiisa na si Department of Education Secretary Jesli Lapus sa pana­wagan ng mga guro at empleyado ng ahensya na kumawala na sa ka­may ng Government Service Insurance System (GSIS) dahil sa napa­karami umanong kapal­pakan nito.

Sinabi ni DepEd-National Employees Union president Atty. Doming Alidon na nakausap na nila si Lapus na nagpa­hayag ng suporta sa ka­nilang aksyon na lu­ mikha ang Kongreso ng hiwalay na “insurance body” para sa mga guro, DepEd employees at maaring isama rin ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.

Sinabi nito na nais na nilang kumawala sa GSIS dahil sa problema sa “premium based policy at “Claims and loan interdependency policy (CLIP) ng ahensya kung saan napakataas ang sinisingil na interes sa mga utang, hindi angkop na retirement benefits, mabagal na pagsingil sa kontri­busyon at pagsususpinde ng mga transaksyon ka­bilang na ang housing loans.

Kung hindi umano ito maisasakatuparan, hini­hiling nila sa Kongreso na amiyendahan na lamang ang batas na lumikha sa GSIS upang madag­da­gan sa lima ang kanilang kinatawan sa GSIS board.          

Nabatid na binubuo ng 500,000 empleyado ng DepEd ang higit sa 30% bilang ng kabuuang mga miyembro ng GSIS kung saan aabot sa P375 milyon kada buwan o P4.5 bilyon kada taon ang kanilang naibibigay na kontribusyon. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF EDUCATION SECRETARY JESLI LAPUS

DOMING ALIDON

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

KONGRESO

NATIONAL EMPLOYEES UNION

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with