^

Bansa

Deployment ban ng OFWs sa Lebanon pinaaalis na

-

MANILA, Philippines - Inirekomenda kahapon ni Vice President Noli de Castro na tuluyan nang alisin ang pagbabawal sa mga OFWs na mag­tungo at magtrabaho sa Lebanon matapos ang tatlong taong deployment ban.

Ayon kay de Castro, tumatayo ring Presidential adviser on overseas Filipino workers affairs, ang pag-lift o pagtatanggal ng deployment ban sa Lebanon ay makakatulong sa mga manggagawang Pinoy na nawalan ng trabaho lalo na ang mga Pinoy workers na nagmula at nasibak sa trabaho sa ibang bansa bunga ng hagupit nang nararana­sang global financial crisis.

Sa isang pagpupulong sa pagitan ni de Castro at mga miyembro ng Gabi­nete sa tanggapan ng Bise Presidente sa Pasay City, sinabi nito na panahon na upang ma-lift ang ban sa Lebanon.

Ang hakbang na alisin na ang deployment ban sa Lebanon para sa mga Pinoy workers ay kasu­nod sa matagumpay na pagtaya at rekomen­dasyon ng grupo ni Presidential envoy to the Middle East Roy Cimatu na nagtungo pa sa Gitnang Silangan kasama ang ilang opisyal ng pamahalaan nitong nakalipas na buwan upang i-assess ang kasa­ lukuyang sitwasyon sa Lebanon at iba pang bansa na may ipinatutupad na deployment ban.

May tatlong taon ding ipinagbawal ang pagpapa­dala ng mga OFWs nang sumiklab ang karahasan sa Lebanon na nagsimula noong 2003 na nagbunsod ng repatriation o pagpa­pauwi sa libu-libong OFWs na naipit at naapektuhan sa bakbakan. (Ellen Fernando)

AYON

BISE PRESIDENTE

ELLEN FERNANDO

GITNANG SILANGAN

INIREKOMENDA

MIDDLE EAST ROY CIMATU

PASAY CITY

PINOY

SHY

VICE PRESIDENT NOLI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with