^

Bansa

9,600 bumbero, jailguards matatanggal sa trabaho

-

Tinatayang 8,000 bum­bero at 1,600 jailguards na hindi sapat ang edukasyon ang posibleng matanggal sa serbisyo sa napipintong implementasyon ng Republic Act 9263 o Bureau of Fire Protection and Bureau of Jail Management and Penology Professio­nali­zation Act of 2004.

Sa ilalim ng naturang batas, itinaas ang “minimum educational qualifications” para sa recruitment ng mga tauhan nito.  Kina­kailangan ngayon na naka­tuntong ng mula dalawang taon sa kolehiyo hanggang nakapagtapos ang mga empleyado ng BFP at BJMP habang kinakaila­ngan rin na pasado sa “2nd level eligibility exam” ng Civil Service Commission ang mga ito.

Ipinasa ang naturang batas noong 2004 kung saan binigyan ng limang taong palugit ang mga tauhan ng BFP at BJMP na hindi sapat ang edukasyon upang mapunan ang kani­lang pagkukulang.

Kapwa inamin nina BFP officer-in-charge, C/Supt. Rolando Bandilla at BJMP chief, Director Ro­sendo Dial Jr. na ang na­turang mga bumbero at jailguards ay hindi naga­wang makapag-aral dahil sa pagiging aktibo sa tra­baho at hirap sa pagre-review sa eksaminasyon dahil sa maraming dahi­ lan.

Parehong umapela naman ang BFP at BJMP sa dalawang kapulungan ng Kongreso upang bigyan sila ng limang taon pang ekstensyon para makatu­pad sa naturang panga­ngailangan sa edukasyon ng kanilang mga kaga­wad. 

Kasalukuyan uma­nong may isinumiteng bill si Senador Gregorio Ho­na­san sa Senado upang big­yan sila ng ekstensyon ha­bang nagpasa naman ng panukala si Rep. Dar­lene Antonino Cus­todio para tuluyang ipa­walang-bisa ang educational requirements sa mga ta­uhan nila na matagal nang nagse­serbisyo sa pa­mahalaan.

Kapwa nagbabala ang BFP at BJMP na lubhang ma­hi­hirapan silang ma­gam­panan ang tungkulin kung tuluyang matatang­gal ang mga bumbero at jailguards. Maaari itong magresulta sa pagkatu­pok ng maraming ari-arian habang mahihirapan na­man na mabantayan ang mga kulungan na nasa pamamahala ng BJMP.

Sinabi rin ni Dial na malaking kuwestiyon rin kung kayang bayaran ng pamahalaan ang lahat ng benepisyo ng mga mata­tanggal na mga bumbero at jailguards at ano ang ikabubuhay ng mga ito kasabay ng “global crisis.” (Danilo Garcia)

ANTONINO CUS

CIVIL SERVICE COMMISSION

DANILO GARCIA

DIAL JR.

DIRECTOR RO

KAPWA

REPUBLIC ACT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with