^

Bansa

Kamara inisnab ni Jocjoc

-

Hindi sumipot si dating Undersecretary Jocelyn ‘Jocjoc’ Bolante at iba pang opisyal ng gobyerno na ipi­natawag ng mga kongre­sista sa Kamara para big­yan linaw ang umano’y anomalya sa paggamit ng may P728 million fund para sa fertilizer na gagamitin noong 2004.

Sinabi ni Palawan Rep. Abraham Mitra, chairman ng Committee on Agriculture na dismayado ito sa hindi pagpunta sa Kamara ni Bolante matapos itong hindi payagan ng Senado. 

Gayunman, sinabi ni MItra na tatapusin nila ang imbestigasyon matapos itong mag-set ng pagdinig sa susunod na linggo.

Bukod kay Bolante, hindi rin sinipot nina Agriculture Secretary Arthur Yap, Budget Secretary Rolando Andaya, DA Undersecre­tary for Finance Belinda Gonzales at si dating Budget Secretary Emilia Bon­codin para magsalita hing­gil sa kanilang nalalaman tungkol sa nasabing isyu.

Si Commission on Audit Director Flerida Jimenez lamang ang dumating sa Kongreso para tayuan ang kanilang report hinggil sa nangyaring anomalya tung­kol sa abono.

Lumabas din na may 103 kongresista ang tu­mang­gap ng P3 hanggang P5 million pondo, 34 sa mga ito ay aktibo pa sa ka­nilang mga puwesto. Sa­mantala, may 49 goberna­dor at 25 mayors ang nabigyan ng pondo.

Gayunman, sinabi nina Camiguin Rep. Pedro Ro­mualdo at Negros Oriental Rep. George Arnaiz na tumanggap sila ng pondo galing sa abono noong May 24 matapos ang nasabing eleksyon pero ito ay ng mga gobernador pa sila.

Ayon sa kanila, pinaki­nabangan ng mga mag­sasaka sa kani-kanilang mga probinsiya ang perang ibinigay sa kanila. (Butch Quejada)

ABRAHAM MITRA

AGRICULTURE SECRETARY ARTHUR YAP

AUDIT DIRECTOR FLERIDA JIMENEZ

BOLANTE

BUDGET SECRETARY EMILIA BON

BUDGET SECRETARY ROLANDO ANDAYA

BUTCH QUEJADA

CAMIGUIN REP

FINANCE BELINDA GONZALES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with