^

Bansa

Mga bangkay sa 'Princess' iaahon na

-

Binutas ulit kahapon ng Titan Salvor at ng Harbor Star ang tumaob na barkong MV Princess of the Stars sa baybayin ng Romblon upang maiahon na ang lahat ng mga bangkay na nasa loob nito.

Ito ang inanunsyo ni MV Princess task force head Elena Bautista ng DOTC, makaraan ang ma­ tagumpay na pag-ahon ng mahigit na 400 drums ng endosulfan kamakailan at ibang mga kemikal sa naturang barko.

Aniya, isinagawa ang panibagong pagbutas upang maiahon ang lahat ng bangkay ng mga pasa­herong nakulong at nalu­nod sa loob nito.

Magugunitang naan­tala ang pagkuha sa mga ito matapos mabatid na may mga dalang mapa­nganib at nakakalasong mga kemikal ang tumaob na passenger vessel.

Ayon pa kay Bautista, target nilang matapos ang pag-aahon sa mga labi sa darating na Oktubre 24, 2008.

Tiniyak din ng natu­rang opisyal na muling sisikat ang panibagong pag–asa sa mga mangi­ngisda ng San Fernando, Sibuyan Island, Romblon bago pumasok ang buwan ng Nobyembre at sa darating na Pasko.

Ito na rin anya ang pamaskong handog ng pamahalaan sa mga taga Sibuyan partikular sa mga mangingisda dahil wala ng panganib at malinis na ang naturang karagatan na kinalubugaan ng na­sabing barko. (Angie dela Cruz)

ELENA BAUTISTA

HARBOR STAR

PRINCESS OF THE STARS

ROMBLON

SAN FERNANDO

SHY

SIBUYAN ISLAND

TITAN SALVOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with