^

Bansa

3 ospital sa Metro Manila binabantayan sa melamine

-

Tatlong ospital sa Metro Manila ang hinihi­nalang nakagamit ng gatas na nagmula sa China at nagtataglay ng nakakala­song kemikal na melamine.

Ito ang nabatid kaha­pon kay Dr. Eric Tayag, hepe ng National Epidemiology ng Department of Health, ka­ ugnay ng mga ulat na ilang sanggol o bata na nakaratay sa naturang ospital ang nagkaroon ng sakit sa bato makaraang mapainom ng naturang gatas.

Isinasaad sa isang ulat na hinihinalang nakagamit ng melamine sa infant formula ang tatlong pagamutan.

Ginawa ni Tayag ang pahayag sa isang pagdinig ng Kongreso sa badyet ng DOH. Tumanggi siyang banggitin sa mga reporter ang pangalan ng bina­banggit niyang mga ospital.

Kaugnay nito, nabatid na inatasan ng DOH ang lahat ng ospital sa buong bansa na ireport sa ahen­sya ang mga kaso ng mga pasyenteng may kidney stones o sakit sa bato mula Enero hanggang Agosto ng taong ito.

Layunin nito na ma­tukoy ng DOH kung aling mga ospital ang nakagamit ng gatas na kontaminado ng melamine.

Samantala, sinabi ni Bureau of Food and Drugs Director Leticia Gutierrez sa pagdinig ng Kongreso na posibleng nakapasok sa bansa ang nakaka­lasong mga gatas mula sa China kahit pa sabihin ng mga manufacturer na nag­mula ito sa New Zealand.

Uminit ang naturang usapin at maraming bansa ang naalerto makaraang mapaulat na apat ang namatay at 54,000 sang­gol sa China ang nagka­sakit sa bato o dinapuan ng ibang karamdaman maka­raang makainom ng kon­taminadong gatas.

Sa kaugnay na ulat, sa CSI Shopping Mall sa Barangay Biday, San Fernando City, La Union, pitong katao ang inaresto ng pulisya dahil sa pag­bebenta umano ng P40,000 halaga ng mga ipinagbabawal na gatas mula sa China.

Kinilala ni Police Chief Superintendent Pedro Obaldo, ang mga suspek na sina Elizabeth Algaba, 49; Perlita Martinez, 48; Eve­lyn Golez, 56; Jolan Pulidario, 27; Enrico Ma­caspac, 38; Felipe Urian, 44; at Albert de Castro, 46, na pawang residente ng Bagong Silang, Caloocan City. (Delon Porcalla at Jun Elias)

BAGONG SILANG

BARANGAY BIDAY

CALOOCAN CITY

DELON PORCALLA

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. ERIC TAYAG

DRUGS DIRECTOR LETICIA GUTIERREZ

ELIZABETH ALGABA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with