^

Bansa

Tongpats sa C-5 road nabunyag sa Senado

-

Nahaharap na naman ngayon sa bagong anomalya ang gobyernong Arroyo matapos ibunyag kahapon ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang P200 milyong ‘tongpats’ ng Department of Budget and Management sa konstruksiyon ng C-5 road mula sa South Luzon Expressway patungong Sucat, Parañaque City.

Ginawa ni Lacson ang pagbubunyag sa briefing ng DBM sa Senado kaugnay sa national budget para sa susunod na taon.  

Hindi naman maipaliwanag ni Budget Secretary Rolando Andaya Jr. ang sinasabing ‘tongpats’ na nakapaloob sa panukalang budget.

Ayon kay Lacson, ginamit na kasangkapan ng P200 milyong ‘tongpats’ sa C5- Road extension ang panibagong P200 milyong alokasyon sa President Carlos P. Garcia Road kung saan binago lamang ang pangalan ng kalye.

Parehong nakapasok umano sa 2009 proposed budget ang alokasyon sa C-5 Road Extension at sa President Carlos P. Garcia Road.

Makalipas ang ilang minuto, itinanggi ni Andaya na ang kaniyang opisina ang nagsingit ng tongpats sa C-5 Road.

Sinabi ni Andaya na hindi niya alam kung sino ang nagpalusot sa P200 milyon bagaman itinuro niya ang Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Kaugnay nito, nagbabala si Lacson na posib­leng makasuhan ng graft o katiwalian ang sinu­mang kongresista at tauhan ng DBM na nag­patong ng P200 milyon sa ‘corrupted budget’ ng departamento. (Malou Escudero)

ANDAYA

BUDGET SECRETARY ROLANDO ANDAYA JR.

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

GARCIA ROAD

LACSON

MABABANG KAPULUNGAN

MALOU ESCUDERO

PRESIDENT CARLOS P

ROAD EXTENSION

SOUTH LUZON EXPRESSWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with