^

Bansa

‘Magsuot ng helmet’

-

“Magsuot ng helmet, iligtas ang buhay!”

Ito ang isinusulong na “motorcycle safety first policy” ng pamahalaang lungsod ng Caloocan sa kampanya nitong panatiliin ang kaligtasan sa pagmo­ motorsiklo.  

Ayon kay Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri, mula nang ma­hig­pit na pinatupad ng lokal na pamahalaan ang City Ordinance 0391 o Traffic Code, mahigit sa 180 ang nahulihang walang kauku­lang safety helmet ng Reformed Department of Public Safety and Traffic Management mula Enero hang­gang Hunyo ng taong ito. 

Sinabi ni Echiverri na mas malapit din sa sakuna ang mga nagmomotorsiklo dahil wala silang protek­syong gaya ng bakal na kaha ng mga sasakyang apat ang gulong.

Idinagdag pa ng alkalde na bagama’t mataas ang multang P500 para sa hindi pagsusuot ng helmet, maliit pa rin itong kabayaran kung isasaalang-alang natin ang buhay na maaaring mailig­tas sa pagsunod ng publiko sa mga umiiral na batas.  

Nitong nakaraang taon ay pina­kamarami ang na­matay sa pagmomotor na may katumbas na 122 motor­siklong naak­sidente sa Kalakhang May­nila. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

CITY ORDINANCE

ECHIVERRI

KALAKHANG MAY

LORDETH BONILLA

REFORMED DEPARTMENT OF PUBLIC SAFETY AND TRAFFIC MANAGEMENT

SHY

TRAFFIC CODE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with