^

Bansa

TF ni Juday sa Meralco ad pinabubusisi ng Malacañang

-

Pinabubusisi ng Malacañang sa Energy Regulatory Commission (ERC) kung ikinarga din ng Meralco sa kanilang system loss ang ibinayad na talent fee para sa actress na si Judy Ann Santos sa ginawang Meralco commercial nito. 

Sinabi ni Chief Presidential legal Counsel Sergio Apostol, marapat lamang na alamin ng ERC kung isinama ng Meralco sa kanilang system loss na pinababayaran sa mga electric consumers ang ibinayad nila kay Juday. 

Ayon kay Sec. Apostol, kahit gumamit ng mga celebrity figures ang Meralco sa kanilang mga TV Ads ay hindi mabubura ang katotohanan na sobrang taas ang singil nila sa kuryente. 

Aniya, walang magiging epekto sa mamamayan kahit gumamit ng talent ang Meralco upang “magpapogi” sa publiko. 

Wika pa ni Apostol, desperate move ito ng Meralco at hindi na kailangang gumaya ng GSIS para labanan ang TV Ads na ito ng nasabing utility company na pag-aari ng mga Lopez.  

Samantala, sinabi ni Manila Rep. Bienvenido Abante Jr. na pinag-aaralan ngayon ng House committee on Public Information ang posibilidad na paglabag ni Juday sa usaping ito.

Anya, bagamat wala pang plano ang komite na ipatawag si Juday, hindi sila papayag na mawalang saysay lamang ang usaping ito dahil ang kapakanan lamang ng taumbayan ang nakasalalay dito.

Nanawagan din si Abante sa mga artista at iba pang personalidad sa entertainment industry na piliing mabuti at maging responsable sa pagtanggap ng anumang offer at iprayoridad ang interes ng publiko bago ang kita sa anu­ mang commercial na nagpapabango sa isang kumpanya o produkto.

Una rito, nanawagan sa publiko ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na iboykot ang lahat ng pelikula ni Juday dahil sa ginawa nitong pagdepensa sa Meralco. (Rudy Andal/Angie dela Cruz/Butch Quejada)

APOSTOL

BIENVENIDO ABANTE JR.

BUTCH QUEJADA

CHIEF PRESIDENTIAL

JUDAY

MERALCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with