^

Bansa

Duterte muling humarap sa ICC

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte muling humarap sa ICC
Former president Rodrigo Duterte appears during his fourth status conference before the International Criminal Court in The Hague, Netherlands on October 13, 2026.
Screenshots/ICC

MANILA, Philippines — Muling personal na humarap si dating Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kasong may kinalaman sa kanyang war on drugs.

Sa isinagawang status conference, makikitang nakaupo si Duterte sa likod ng kanyang defense team habang mino-monitor ang pagdinig gamit ang headset.

Si Duterte ang kauna-unahang dating lider ng isang bansa sa Asya na sumasailalim sa pag­lilitis sa ICC, na humahawak ng mga kasong war crimes at crimes against humanity.

Matatandaang una siyang humarap sa kor­te sa The Hague sa pamamagitan ng video link matapos dalhin sa ICC. Hindi rin siya dumalo sa ilang pagdinig bago ang kanyang personal na pagharap noong nakaraang buwan.

Nahaharap si Duterte sa tatlong bilang ng crimes against humanity. Ayon sa mga tagausig, may kinalaman siya sa hindi bababa sa 76 na pagpatay mula 2013 hanggang 2018 bilang bahagi ng kampanya kontra ilegal na droga.

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with