Pangulong Marcos: Seryosohin paghahanda sa El Niño

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang publiko na magtipid sa tubig at mag-ipon ng tubig-ulan bilang paghahanda sa posibleng epekto ng El Niño, habang pinaigting ng pamahalaan ang mga hakbang upang tugunan ang naturang climate phenomenon.
Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary Atty. Claire Castro na seryosong tinututukan ni Pangulong Marcos ang banta ng El Niño, at patuloy ang koordinasyon sa pamamagitan ng El Niño Task Force.
Aniya, praktikal na hakbang ang payo ng Pangulo na mag-ipon ng tubig-ulan gamit ang mga timba upang makatulong sa mga kabahayan na makapaghanda sa posibleng kakulangan sa suplay ng tubig.
Dagdag niya, gagawa si DSWD Secretary Rex Gatchalian ng instructional video na magpapakita kung paano sasalain at gagawing angkop sa paggamit ang nakolektang tubig-ulan.
Hinimok ni Castro ang publiko na seryosohin ang paghahanda ng pamahalaan at maging bukas sa mga praktikal na solusyon.
Samantala, sinuportahan ni Senate President Sherwin Gatchalian nitong Martes ang payo ng Pangulo sa mga Pilipino na bumili ng timba at mag-ipon ng tubig-ulan bilang paghahanda sa posibleng kakulangan ng tubig dulot ng inaasahang Super El Niño.
Sinabi ni Gatchalian na tama naman at praktikal ang payo ng Pangulo. Natanong si Gatchalian tungkol sa panawagan ni Marcos na maghanda ng mga timba at mag-ipon ng tubig-ulan.
- Latest
















