^

Bansa

Magdemanda ka!

- Nina Rudy Andal, Malou Escudero At Butch Quejada -

Hinamon kahapon ng Malacañang ang sinasa­bing bagong witness sa NBN-ZTE deal controversy na dalhin sa korte ang kanyang ebidensiya na sinasabing nakipag-secret meeting si Pangulong Arroyo saka nakipaglaro ng golf sa mga ZTE officials sa Shenzen, China noong Nov. 2, 2006. 

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesman Anthony Golez, sa halip na gamitin sa pamumulitika ni Iloilo Vice-Governor Rolex Suplico ang kanyang ba­gong witness ay mas ma­buting iharap na lamang nila ito sa korte.   

Lumutang ang isang alias “Alex” na sinasabing kabilang sa team ni Pangu­long Arroyo nang magtungo sa Shenzen noong November 2006 kasama si First Gentleman Mike Arroyo.

Sinasabing ang bagong witness na ito ni Suplico ay may ebidensiyang larawan kung saan ay makikita si Pangulong Arroyo na na­kikipaglaro ng golf sa headquarters sa ZTE officials at nakipag-usap sa mga opisyal ng ZTE.  

Nangyari umano ang nasabing pakikipag-meeting limang buwan bago nalagdaan ang kontrober­siyal na kontrata.

Samantala, inamin na­man kahapon ng Malaca­ñang na nakipagkita nga si Pangulong Arroyo sa mga ZTE officials sa Shenzen, China noong November 2006 matapos siyang maglaro ng golf kasama si FG sa Shen­ zen Golf club. 

Sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita, wala siyang nakikitang masama sa pagpapaunlak ni Pa­ ngulong Arroyo sa imbitas­yon ng ZTE officials para sa isang luncheon treat.

Ayon kay Sec. Ermita, hindi maituturing na secret meeting ang pakikipagkita ni PGMA sa mga ZTE officials dahil bahagi ito ng kanyang “private functions.” 

Aniya, walang gina­wang commitment ang Pangulo dahil wala pa namang kontrata na nila­lagdaan kaugnay sa NBN project.

Nakatakdang ituloy ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Alan Peter Cayetano ang imbestigas­yon sa ZTE sa susunod na linggo.

Ayon kay Cayetano, maraming dapat ipaliwanag ang Pangulo lalo pa’t may bagong testigo na maka­kapagpatunay sa pakiki­pag-usap ng Pangulo sa mga opisyal ng ZTE.

Sinabi pa ni Cayetano na nakausap na niya si Suplico na may hawak umano kay “Alex” at sinigurado nito na sisipot ang nasabing testigo sa pagbubukas ng imbestigas­yon ng Senado.

Si Alex ay isang kawani ng gobyerno na may alam sa nasabing maanomal­yang ZTE-NBN deal.

Sinabi pa ni Cayetano na dinadaya lamang ng Malacañang ang taumba­yan nang hamunin ang bagong testigo na kasuhan na lamang sa korte ang Pangulo dahil mayroon itong “immunity from suit” at hindi puwedeng sampahan ng kaso. 

Aniya, malinaw na ebi­densiya ito na may direk­tang kinalaman ang Pa­ngulo sa kinanselang kwes­tyonableng deal na ibinulgar ni dating Philforest president Rodolfo Lozada Jr.

PANGULO

PANGULONG ARROYO

SHY

ZTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with