^

Bansa

Paglaya ni Manero naunsiyami!

- Nina Rose Tamayo-Tesoro at Gemma Amargo-Garcia -

Naudlot ang naka­takda sanang paglaya kahapon ni priest killer Norberto Manero mata­pos pansamantalang ha­rangin ng Department of Justice (DOJ).

Nabatid kay Public Attorneys’ Office (PAO) chief Atty. Percida Acosta na hindi pa na-review o na-kwenta ni DOJ Sec. Raul Gonzalez ang ser­bisyo at record pati na ang good conduct time allowance ni Manero kaya po­sibleng mga ilang linggo o buwan pa ang aabutin bago siya makalabas.

Sinabi pa ni Acosta na sinusuri umano ng ma­ayos ng DOJ ang record ni Manero upang hindi na maulit pa ang kahalintulad na insidente gaya ng nangyari kay convicted child rapist at dating Zamboanga del Norte congressman Romeo Jalosjos na lumabas sa piitan hawak ang kuwes­tiyunableng release order.

Sinabi ni Gonzalez na dahil mali ang pagkwenta sa time credits ni Jalosjos kaya itinama ito at luma­labas na hanggang Abril 2009 pa siya mananatili sa Muntinlupa.

Batay sa record ng korte, si Manero ay unang nasentensiyahan ng 40 years of imprisonment dahil sa pagpaslang kay Italian priest Tulio Favali noong 1985.  Binigyan siya ng commutation of sentence ng pamahalaan noong 1998 at ibinaba ito sa 24 years dahil sa ipi­nakita umano nitong ma­gandang asal o good behavior sa loob ng pam­bansang piitan.

Sa pahayag naman ni Manero kahapon, sinabi niya na noon pang 2002 dapat siya nakalaya ma­tapos bigyan ng pardon nina dating Pangulong Fidel Ramos at dating Pa­ngulong Joseph Estrada. 

Sumama ang loob ni Manero sa pagkabigo na makalaya kahapon dahil hindi na umano siya makatulog sa excitement na makapiling ang mga mahal sa buhay na hini­hintay ang pag-uwi niya kahapon.

Bunsod nito, isinugod sa pagamutan ng NBP si Manero matapos maka­ramdam ng pagkahilo at paninikip ng dibdib bunga ng pagtaas ng presyon nito na umabot sa 180/120 nang makarating sa kanyang kaalaman ang balitang mananatili pa siya ng ilang linggo sa loob ng Bilibid.

Si Manero ay kasama sa pito kataong napatu­nayang guilty, kabilang ang mga kapatid niya na sina Edilberto at Elpidio, sa karumal-dumal na pag­patay kay Tuvali na ang bang­kay ay iniwan sa national highway ng Tulunan at kinain ang utak nito.

Dating miyembro ng nabuwag na paramilitary Integrated Civilian Home Defense Force ang mga Manero at naging mi­yembro ng kilabot na “Ilaga group”, na naki­paglaban sa mga Moro separatists sa Mindanao noong dekada 70.

DEPARTMENT OF JUSTICE

INTEGRATED CIVILIAN HOME DEFENSE FORCE

JOSEPH ESTRADA

MANERO

NORBERTO MANERO

PANGULONG FIDEL RAMOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with