^

Bansa

Dayuhang nagtatrabaho sa Pinas dumarami

-

Lumobo umano ang bilang ng mga mangga­gawang dayuhan na nag­tatrabaho sa bansa mula Hunyo hanggang Nobyem­bre ng kasalukuyang taon kumpara sa parehong period noong 2006, pahayag kahapon ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Marcelino Libanan.

Sa rekord ng BI, tu­maas ng may 83 posiyento ang bilang ng mga expatriates o dayuhang mangga­gawa na nag-apply ng working visa sa bureau sa loob ng nasabing period kumpara noong nakaraang taon. 

Sa loob aniya ng nasa­bing mga buwan, umabot na sa may 3,400 dayuhan ang kanilang nabigyan o naisyuhan ng pre-arranged employment visas.

Sinabi rin ni Libanan na ang pagsirit ng nasabing bilang ay resulta lamang din ng pinaigting na kam­paya o crackdown ng bureau laban sa mga dayu­hang illegal na nagtatra­baho sa Pilipinas.

Kasabay nito, nilinaw naman ng BI chief na labag sa batas ang pagtatrabaho sa loob ng bansa ng isang dayuhan na walang ka­ukulang pahintulot ng pa­mahalaan. Layunin lamang naman umano ng nasa­bing batas na protektahan ang interes ng mga mang­gagawang Pilipino na manakawan ng hanapbu­hay o livelihood opportunities ng mga dayuhan.

Umapela rin naman si Libanan sa publiko na agad isumbong sa kaniyang tanggapan ang mga dayu­han na ilegal na nagta­trabaho sa loob ng bansa upang agad na maaresto at maipa-deport.  (Mer Lay­son)

BUREAU OF IMMIGRATION

COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

HUNYO

KASABAY

LIBANAN

MER LAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with