^

Bansa

13 Ninoy killers palayain na - CBCP

-

Hindi lamang si M/Sgt. Pablo Martinez ang dapat na pinagkalooban ng conditional pardon ng Mala­kanyang upang maka­laya, kundi ang lahat ng mga kasamahan nito na itinu­tu­rong sangkot sa Aquino-Gal­ man double murder case.

Ito ang inihayag kaha­ pon ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC) Executive Secretary Ro­dolfo Diamante.

Ani Diamante, sa loob ng 20 hanggang 25 taon ay nag­dusa na umano ang mga nasabing bilang­go kaya siguradong na-rehabilitate na ang mga ito at hindi na kinakailangan pang magdusa ng mas matagal pa. 

Inihayag din nito na maging si dating Pangu­long Estrada na convicted sa kasong plunder ay binigyan ng pardon ng Pangulo kahit na hindi pa nabibilanggo dahil sa edad nito kay maaari rin naman umanong gamitin itong basehan ng Pangulo para sa iba pang bilanggo sa Aquino-Galman case na nabilanggo na ng ma­higit sa 20  taon.

Nagpahayag din na­ man ng paniniwala si Diamante na posibleng hindi talaga alam ng mga akusado sa krimen kung sino ang utak sa likod nito dahil kung alam umano nila ay malamang na ma­tagal na nila itong ibinun­yag sa tagal na nilang nagdurusa sa bilangguan. (Mer Layson)

vuukle comment

ANI DIAMANTE

CATHOLIC BISHOPS

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

EPISCOPAL COMMISSION

EXECUTIVE SECRETARY RO

MER LAYSON

PABLO MARTINEZ

PANGULO

PRISON PASTORAL CARE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with