^

Bansa

Bagong patakaran ng POEA at DOLE sa DH binira

-
Libu-libong domestic helpers ang nagmartsa kahapon mula Liwasang Bonifacio patungong tanggapan ng Department of Labor and Employment para kondenahin ang bagong patakaran ng DOLE at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na nagtataas ng minimum wage ng mga DH.

Ayon sa mga nag-raling DH, mula ng ipatupad ang naturang patakaran ay wala ng gustong kumuha sa kanila.

Kasama ng tinatayang 8,000 DH sa kanilang kilos protesta ang may 11 malalaking asosasyon ng ibat-ibang recruitment agency sa bansa sa pangunguna ng Federated Association of Manpowers Exporters (FAME).

Ayon kay Eduardo Mahiya, pangulo ng FAME, hindi katanggap-tanggap sa mga DH ang ‘governing board resolution at memorandum circular’ ng POEA na naging epektibo noong Disyembre 16 gaya ng pagtataas ng suweldo mula sa US$200 ay ginawang US$400, pagtakda ng edad na 25 sa mga DH, pagsasailalim sa kanila sa pagsusulit ng TESDA, pagsasanay ng lenguwahe at kultura ng OWWA at pagbawal sa isang ahensiya na singilin ng placement fee ang mga DH ng halagang katumbas ng isang buwan na suweldo. (Mer Layson)

AYON

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

DISYEMBRE

EDUARDO MAHIYA

FEDERATED ASSOCIATION OF MANPOWERS EXPORTERS

KASAMA

LIBU

LIWASANG BONIFACIO

MER LAYSON

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with