^

Bansa

Billboard operators, advertisers nagkasundo sa paglalagay ng ads

-
Nagkasundo ang dalawang malaking grupo ng billboard operators and advertisers na maglatag ng kanilang mga alituntunin sa paglalagay ng mga anunsiyo na tatalima sa mga isinasaad ng kasalukuyang batas sa ilalim ng National Building Code.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Carlo Llave, chairman ng Outdoor Advertising Association of the Philippines (OAAP) na nagkasundo sila ng Advertising Board of the Philippines (ADBOARD) at iba pang miyembro ng organisasyon na huwag ng tanggapin ang mga kontrata sa outdoor advertisements kung hindi tumutugma sa patakaran at alituntuning isinasaad sa batas.

Bagamat aminado ang naturang grupo na malaki ang nalugi sa kanilang industriya mula nang simulan ng DPWH at MMDA ang pagbabaklas sa mga billboards, kinakailangan aniya na suportahan nila ang kampanya ng pamahalaan na makontrol at maisaayos ang paglalagay ng mga billboards.

Isa anila ito sa paraan upang maipakita nila sa pamahalaan ang pakikiisa at pagsuporta sa kampanya para na rin matiyak ang kaligtasan ng publiko at ari-arian. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ADVERTISING BOARD OF THE PHILIPPINES

ANGIE

BAGAMAT

CARLO LLAVE

CRUZ

ISA

NAGKASUNDO

NATIONAL BUILDING CODE

OUTDOOR ADVERTISING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with