^

Bansa

Multi-bilyong Road Right of Way scam pinasisilip kay GMA

-
Kinatigan kahapon ng mga concerned DPWH employees si Pangulong Arroyo sa utos niyang pagpapaimbestiga sa Subic-Clark Road Project sa Angeles, Pampanga na proyekto ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).

Ipnakita ng Pangulo ang pagka-unsiyami matapos lumutang sa mga pahayagan ang mga pagbubulgar sa mga maanomalya umanong transaksiyon sa naturang proyekto samantalang matindi na anya ang sakripisyo ng kanyang administrasyon sa policy nitong pagtitipid. Kasabay nito, ipinaparating din ng mga empleyado sa Pangulo na mas malaki ang anomalya sa Road Right of Way sa ilalim ng DPWH, particular na ang Bicutan Interchange.

Ibinulgar ng mga empleyado ang daan-daang milyong pisong nalalagas sa pamahalaan at naibubulsa lamang ng iilan sa mga proyekto ng Road Right of Way ng DPWH. Imbes na 300 pamilya lamang ay naging mahigit sa 600 pamilya umano ang binayaran ng gobyerno ng milyun-milyong piso sa Bicutan-Interchange Project. Sinabi ng grupo na karamihan pa sa mga iskuwater na ito ay puro fake na tax declaration ang isinumite.

"Amin ding ipinagtataka kung bakit nagbabayad ang Road Right of Way sa mga iskuwater, hindi ba dapat sa HUDCC iyon dahil housing at relocation ito ng mga illegal settlers?" tanong ni Domeng Santos, isa sa mga concerned employees ng DPWH.

Sinasabing ang mga major contractors sa Road Right of Way ay malalapit umano sa hepe ng nasabing opisina na si Director Patrick Gatan. Kinukuwestiyon din ng grupo ang paghawak ni Gatan sa dalawang posisyon. Bukod umano sa Road Right of Way ay hawak pa ni Gatan ang Flood Control Office sa DPWH.

vuukle comment

BASES CONVERSION AND DEVELOPMENT AUTHORITY

BICUTAN INTERCHANGE

BICUTAN-INTERCHANGE PROJECT

DIRECTOR PATRICK GATAN

DOMENG SANTOS

FLOOD CONTROL OFFICE

GATAN

PANGULO

ROAD RIGHT OF WAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with