^

Bansa

Technovation Manila tampok ang smoke-free progress

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinipon ng PMFTC Inc., lokal na sangay ng Philip Morris International (PMI), ang mga policy expert, scientist, health expert, at industry leader sa ginanap na “TECHNOVATION: Smoke-Free by PMFTC” summit sa Manila Marriott Hotel sa Pasay City.

Naging sentro ng talakayan ang tobacco harm reduction, product innovation, consumer education, at mga hakbang na nakabatay sa ebidensya upang matulungan ang mga adult smoker na lumipat sa smoke-free alternatives.

Sa kanyang pambungad na mensahe, sinabi ni PMFTC President Zhenya Ivanov na mahalaga sa PMI ang pagdaraos ng summit sa Pilipinas dahil may malaking papel ang bansa sa layunin ng kumpanya na maisulong ang smoke-free future.

Sinundan ito ng fireside chat nina PMI President for East & Southeast Asia, Pacific and Global Travel Retail Vassilis Gkatzelis at TV anchor-lawyer Karen Jimeno, kung saan tinalakay ang smoke-free transformation ng PMI, pagbabago ng consumer preferences, at papel ng inobasyon sa pagpapalawak ng access sa smoke-free alternatives.

Binigyang-diin ng mga eksperto na bagama’t addictive at hindi risk-free ang nicotine, ang pagsunog ng tabako ang pangunahing pinagmumulan ng maraming mapanganib na kemikal na may kaugnayan sa mga sakit dulot ng paninigarilyo. Iginiit din nila ang kahalagahan ng impormasyong nakabatay sa agham at ng angkop na regulasyon.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni PMI Vice President for Communications and Engagement Tommaso Di Giovanni na ang tunay na sukatan ng inobasyon ay ang positibong epekto nito sa buhay ng mga tao.

Nagbahagi rin ng pananaw ang mga eksperto sa public health, mga trend analyst, at industry leaders hinggil sa papel ng siyentipikong pananaliksik, teknolohiya, at regulasyong nakabatay sa ebidensya sa pagbabawas ng pinsalang dulot ng paninigarilyo.

Ipinakita naman ni PMFTC Senior Director for Smoke-Free Products Vickna Tharmalingam ang smoke-free portfolio ng PMI, kabilang ang IQOS ILUMA i at ZYN nicotine pouches.

Sa “Voices of Change” panel, tinalakay ng mga kalahok ang mga karanasan ng iba’t ibang bansa sa regulasyon, consumer access, at tobacco harm reduction bilang bahagi ng paglayo sa paggamit ng sigarilyo.

Sa kanyang closing remarks, binigyang-diin ni PMFTC Senior Director for Corporate Affairs Atty. Chita Herce ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pamahalaan, industriya, at iba pang stakeholders upang maisulong ang smoke-free future sa pamamagitan ng mga polisiyang nakabatay sa ebidensya at responsableng regulasyon.

Ayon sa PMI, mahigit USD 16 bilyon na ang inilaan nito para sa research and development ng smoke-free products mula 2008. Sa ikatlong quarter ng 2026, mahigit 40 porsyento ng kabuuang net revenues ng kumpanya ay mula na sa smoke-free products, na available na sa 110 merkado at ginagamit ng mahigit 43 milyong adult sa buong mundo.

PMI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with